"Pero bago 'yan," kumumpas siya gamit ang isang kamay at dumilim ang buong paligid. Bago ko namalayan, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang madilim na kwarto. Nasa harap ko si Ben na nakatayo pa rin sa entablado. Ako naman ay nakaupo sa tabi na isang lamesa. Lumingon ako sa paligid upang siguraduhing totoo nga ang mga nakikita ko. Sa kani-kanilang mga lamesa ay may iilang tao akong kasama. Ang iba sa kanila ay nakaharap sa stage. Ang iba naman ay mukhang abala sa pakikipag-usap sa isa't-isa. Ang kakaiba lang sa eksenang ito ay wala sa kanilang gumagalaw, na para bang tumigil ang oras para sa mga taong ito.
Hinawakan ko at kinaskas ang aking mga braso upang bahagyang uminit ang mga ito. Malakas ang aircon sa bar. Pamilyar ang lugar sa akin ngunit sa aking hula, parang pinaghalo ang iba't-ibang lugar para buuin ang establisamentong ito.
Hindi naman bago ang ganitong klase ng mga scenario sa mga kwento at pelikula upang di ko maisip na ang lahat ng ito ay nangyayari lang sa aking isipin at ang mga elemento ay tinagpi lang mula sa aking mga alaala. "Tama ba ako?" tinanong ko kay Ben na kasalukuyan nang naglalakad papunta sa aking mesa.
"Tama." sagot niya bago siya umupo sa isang silya sa harap ko. "At tama rin ang hula mong nababasa ko ang iniisip mo. Or more specifically, 'di ko na kailangang basahin ang iniisip mo dahil ako rin mismo ay gawa ng iyong isipan."
"So hindi ka talaga si Ben?"
"Patay na si Ben. Alam mo 'yan. So yes, hindi talaga ako si Ben. Pero we're in the same boat, ika nga nila. Ika, that's a strange word. But anyways, hindi ako si Ben. At hindi ikaw si Joshua. Naipaliwanag na sa original Joshua what all this is about. And from the looks of things, kahit papaano may naintindihan siya sa mga tinuro sa kanya and that's why you're here. Nagawa niyang gamitin ang," at sa puntong ito itinaas ni Ben ang kanyang mga kamay at gumawa ng air quotes. "power—quote-unquote—na ibinigay sa kanya."
Huminga ako ng malalim habang iniisip ang implikasyon ng mga sinabi ni Ben sa akin. "So, kagabi, 'yung isang Joshua, nangyari rin ito sa kanya at pinaliwanag mo rin sa kanya ang nangyayari, at pagkatapos nagkaroon siya ng what, ng ability na gumawa ng clone?"
"You're exactly right. Except mali sa ibang details. For example, hindi ako ang nakausap niya sa..." nagmuwestra siya sa paligid namin, "ganito niya. Likely isang Ben rin ang nakausap niya pero wala tayong memory ng mga bagay na iyon so wala akong masasabi tungkol doon. But yes, going back to my point earlier. Ikaw at ako, we're both just copies of other people. Isa akong construct na ginawa ng utak mo para maging si Ben. At ikaw, isa kang clone na ginawa ni Joshua para subukan ang bago niyang kapangyarihan. Ang saya, no? Pareho tayong hindi totoo. Pero may pagkakaiba tayo." Tumingin siya sa akin.
If you spot this story on Amazon, know that it has been stolen. Report the violation.
"Ano 'yun? Papahulaan mo pa ba sa akin?" tinanong ko siya.
"Ang pagkakaiba natin: I have a purpose." sagot niya.
Ngumisi lang ako sa sinabi niya at sumandal sa upuan ko. "Wow. Ang galing. Are you really going to give me that Matrix crap, Ben?"
"Well, totoo 'yun. May purpose talaga ako. Ako ang guide mo. At Josh? Maniwala ka sa akin. You really, really need a guide."
"Pero ang sabi mo, gawa-gawa ka lang ng utak ko, di ba? So kung ano ang alam mo, 'yun rin dapat ang alam ko."
"Mali." sinagot sa akin ni Ben. "Joshua, isipin mo ang isang diksiyunaryo. Ngayon isipin mo na alam mo ang karamihan ng mga salita na nasa diksiyunaryong iyon. Or alam mo lahat ng salita na nasa diksiyunaryo. Pagkatapos, isipin mo na mayroon kang isa pang libro. For example, isang bagong libro ni Stephen King. Kakalabas pa lamang. Excited ka nang mabasa. Pero naisip mo, teka, lahat ng mga salitang ginamit sa libro ni Stephen King ay nasa diksiyunaryo naman, di ba? Bakit mo pa kailangang basahin ang nobela kung lahat ng salitang ginamit dito ay alam mo na?"
"Okay. Fine. So ang mga alaala ko ang laman ng dictionary at ikaw ang libro ni Stephen King. Tama?"
"Hindi mali. Dahil oo, gawa-gawa ako ng isipan mo. Pero at the same time, isa rin akong mensahe galing kay Ben. Sa tunay na Ben." Napansin kong nagbago ang kanyang itsura. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha.
"Anong mensahe mo para sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Mensahe? Nasabi ko na kay Joshua kagabi. Hindi ko na kailangang ulitin sa iyo.
"Pero Ben, kailangan kong maintindihan. Bakit ako? Ano 'yung flash drive na 'yun? Paano posible ang lahat ng ito. 'yung pagiging clone ko. Sino ang lalakeng... pinatay ko? Ano ba 'tong nangyayaring ito?"
Naglabas si Ben ng isang kopya ng flash drive mula sa isang bulsa sakanyang jacket. Tiningnan niya ito at binasa ang tatak na nakasulat. "Ang flashdrive na ito ay produkto ng Kingsfield, isang US company pero malamang angmismong drive na ito ay gawa sa China o Thailand. Ang flash drive ay hindiimportante. Ang importante ay ang laman ng flash drive. Noong 2022 ay lumipadsi Ben papuntang United Kingdom. Kapag sinabi kong lumipad, ang ibig kongsabihin ay sumakay ng eroplano. Ngayon, sa palagay ko may mga bagay akong kailanganggawing mas malinaw dahil sa kwentong ito, hindi lang paggawa ng clone na tuladmo ang elemento na masasabing kakaiba.Ang ibig kong sabihin, isang bagong mundo ang napasukan mo at kung 'di kamagagawang patayin kaagad ng isa sa mga nilalang na nakatira sa mundong ito,marami ka pang kapangyarihang makikita."