'Is it about money, or unconditional love?'
We're facing each other, staring at one another...
"Chris..." Tawag n'ya, tinitigan n'ya ako mata sa mata.
"I think, I love you..."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig,
"Whoa! Earl, alam mo ba ang sinabi mo?!"
Lalong naging seryoso ang mukha n'ya (well, anong bago doon? Lagi namang seryoso ang mukha n'ya!).
Hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat...
"Alam ko kung ano ang sinasabi ko, and I'm willing to prove it." Unti-unting papalapit ang mukha n'ya sa'kin. Is he going to-
*KRRRIIIINNGG!!!*
"Waaahhh!" Natataranta kong hinanap ang alarm clock at mabilis itong pinatay.
*Knock-knock!*
"Young Master, breakfast's ready! Maghanda na po kayo."
"Nand'yan na!" Sagot ko, "Geez!"
Matapos makapaghanda, lumabas na'ko ng kwarto at bumaba papuntang Dinning Area.
"Good morning Young Master!" Bati ng mga Maids.
Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang kamay sabay sabi ng-
"Good morning din sa inyo!" I welcomed them with my most charming smile.
"KYAAH~!" Tili nilang lahat habang kinikilig.
Isinabit ko ang coat sa sandalan ng upuan at naupo, kaharap ang masungit yet napakagwapo, snobber yet matalino, ma-pride yet mayaman na nilalang na'to.
Wait! That reminds me...
Naalala ko na naman ang weirdo kong panaginip. There's no way na gagawin n'ya 'yon!
"Topher..."
"Huh?"
"What's with the face?"
"Ah-eh, w-wala! Wala!"
"If you're planning to back out, it's too late. Focus on today's event, got it?"
Help support creative writers by finding and reading their stories on the original site.
"I'm not going to back out.." I mumbled.
Psh! Kung hindi lang ito para sa pera, hindi ko na gagawin ang kahibangang ito!
Oo nga pala, ang pangalan ko'y Chris Estrella-pero kalimutan n'yo muna 'yon. Because today... I'm Topher James Rutherford, 17 years old-and I have to play this role.
Matapos kumain, naglakad-lakad muna ako papuntang library. Nakita ko ang isang maid na naglilinis ng bookshelf habang nakatuntong sa ladder.
"Ah-!" Mabilis akong umaksyon para saluhin s'ya.
"Y-young Master! Thank you po!" Si Miss Jana pala.
S'ya ang personal maid ko. Maalaga s'ya at mabait, 'yun nga lang, medyo clumsy!
"Basta sa susunod, mag-iingat ka." Ibinaba ko s'ya saka inihawi ang buhok n'ya sa mukha.
"O-opo..."
Ang buhay ko'y 'di na tulad ng dati. Kailangan kong maging si Topher, ang playboy, happy-go-lucky na kapatid ni Earl, at kailangan kong gawin iyon 24/7.
Ngayon ay papunta kami sa company ng mga Rutherford, ito na ang katuparan ng contract namin ni Earl.
Maraming reporters ang sumalubong sa'min kasama ang nakakabulag na flash ng mga camera! Pagkarating sa conference, tumahimik ang lahat...
"Ehem! I'm here to announce one important thing..." Ang awkward ng katahimikang ito!
"I, Christopher James Rutherford, is transferring all the Rutherford's possessions and heritage to my older brother, Earl Rutherford!" Nagulat ang lahat ng nakarinig. Ang iba pa nga, feeling bingi-bingehan!
Unexpected ang pangyayaring ito pero-ito ang nakasaad sa'ming contract.
Let this He-dden game begin!