Novels2Search
He ~ dden
Chapter Two

Chapter Two

*Tick-tock... Tick-tock...*

Five minutes na lang bago mag-alas dose ng madaling araw. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng pamunuan ni Earl ang company nila.

Isang linggo na rin s'yang inuumaga ng uwi, ni hindi ko nga alam kung natutulog pa 'yun, eh.

"Sigh!" Napabuntong-hininga na lang ako kakahintay sa kanya.

*BEEP! BEEP!*

Oh! Baka s'ya na 'yun. Inabangan ko s'ya sa pinto.

"Topher! Bakit gising ka pa?" 

Nagulat ako dahil sa mukha n'yang namumutla na sa pagod!

"Bakit? Masama bang hintayin ka?" Sabat ko.

"You don't have to wait for me. Don't you have a class tomorrow?" Sabi n'ya sabay panik ng hagdan, sinundan ko s'ya...

"Sabado bukas, wala kaming pasok."

"Good for you, now rest."

"Makapag-utos, ah! Bakit 'di mo sabihin 'yan sa sarili mo? Mukha ka na kayang zombie!" Hahawakan ko sana ang noo n'ya nang mabilis s'yang umiwas.

"I'm perfectly fine! My condition doesn't concern you. If you don't want to rest, find something to do and don't disturb me, got it?"

"Psh! Bahala ka nga sa buhay mo!" Tumalikod na'ko at nagwalk out. Papasok na sana ako sa kwarto nang-

*BLAG!*

'Ano 'yun?' Bumalik ako sa kwarto ni Earl, nakita ko s'yang nakahiga sa sahig malapit sa pinto ng kwarto n'ya.

Unlawfully taken from Royal Road, this story should be reported if seen on Amazon.

"Earl!" Paghawak ko sa kanya, napaso ako sa init ng katawan n'ya!

'Tch! May lagnat s'ya!'

Agad ko s'yang inalalayan at inihiga sa kama. Agad akong kumuha ng yelo, tubig at towel.

"Young Master, may problema po ba?" Tanong ni Miss Jana nang maabutan ako sa kusina.

"Ayun! Nilagnat si Ear-este! Si Kuya! Pupunasan-"

"Naku Master! Tulungan ko na po kayo!"

"Ah hindi na! Ako nang bahala." Mabilis akong umakyat at bumalik sa kwarto n'ya.

'Tsk! Hindi pa pala s'ya nakakapagpalit ng damit!'

Natigilan ako nang maalala ang gagawin...

'Tch! Ano ba Chris?! Papalitan mo lang naman s'ya ng damit, no big deal!'

Ipinagpatuloy kong i-unbutton ang polo n'ya. Kahit naiilang, pinunasan ko ng maigi ang mainit n'yang katawan saka s'ya pinalitan ng damit.

"Cough! Cough!"

"Heto, uminom ka ng tubig." Matapos n'yang uminom, bumalik na s'ya sa pagkakahiga.

"Kasi naman! Wala pa lang sakit ah! Sino kaya ang araw-araw mag-overtime? Dinaig mo pa ang kalabaw, ah!"

"I don't need to listen to your nonsense teachings."

"Nonsense teachings mo mukha mo! Makinig ka kaya!" Nakakapikon na s'ya, ah!

"So you expect me to thank you? Let me remind you that you're the one who should be thankful. Without my money, no one will save you. Remember your place."

Nainsulto ako sa sinabi n'ya. Ang mas nakakainis, totoo ang lahat ng 'yon!

"Naiintindihan ko, magpahinga ka ng maigi. Ibababa ko lang 'to." Tumayo ako sabay kinuha ang tray at bumaba.

Previous Chapter
Next Chapter