Novels2Search
Sa Hindi Inaasahan
Sa Hindi Inaasahan

Sa Hindi Inaasahan

Nagsimula ang lahat sa libing ng nanay at tatay ko…….

            Nakatulala ako sa isang tabi habang pinag-iisipang mabuti kung bakit ba nangyari to.. kung bakit sa isang iglap ay mawawala sa akin? Hindi naman ako masama, masunurin naman ako, magalang, matulungin, pero bakit?

            Kahit kilala ko na at nakakulong na ngayon ang nakabanggang truck sa sinasakyan ng mga magulang ko, hindi ko pa rin malubos isipan na ngayon pa nangyari to. Kung kalian araw ng graduation ko sa College. Kung kailan dapat nagcecelebrate kami at masayang nagke-kwentuhan at nagkakainan. Andami pa naming inimbitahan si mama na bisita dahil naka graduate ako ng Cum Laude. Pero wala namang nagsabi sa akin na burol pala ang pinunta nila.

            Kaya ngayon nagsisisi ako kung bakit hinayaan ko pa silang hindi sumama sa akin pauwi.

“Anak, Congratulations!!! All your hardwork has paid off!”

“Thank you mom! Kung hindi dahil sa walang sawa niyong paggabay sa akin all throughout the years, hindi ako makakapagtapos. I love you ma, pati papa”

“We love you too anak!”

“Tara na ma, uwi na po tayo”

“Mauna ka na sa bahay, at may dadaanan pa kami ng mama mo”

“Hindi kayo sasabay sa akin?”

“Susunod kami”

“Sige po ingat kayo!”

            Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit! Ang sakit sakit na mawalan ng magulang! Parang nawalan ako ng gana sa buhay!

            Araw ng libing ng mga magulang ko ngayon. Nakaitim halos lahat. Tulala na naman ako habang tuluyan nang nawawala sa paningin ko ang mga kabaong nina mommy.

            Nang magsialisan na ang mga nakiramay sa libing nina mama, naupo ako sa harap ng puntod nila.

“Ma? Pa? bakit ganun? Hinintay nyo lang ba ako makapagtapos bago kayo umalis? Mas gugustuhin ko pa pala na di na lang makagraduate kung ganon. Pero knowing you, di ka nga napayag na umabsent ako pag sinasabi kong tinatamad ako eh. Sabi mo sa akin, sasamahan mo akong tuparin ang pangarap ko at kayo ang magiging number 1 fan ko pag naging isang magaling akong surgeon. Tinanong ko pa nga kung bakit fan eh hindi naman ako artista. Tapos sabi mo ‘pangit naman pag sinabi kong number 1 patient dahil parang ang hina ko na nun diba?’ natatawa na lang akong umiling. Tapos sabi mo tutulungan mo ako magpatayo ng sarili kong ospital. Naaalala ko pa nga nung bata pa ako magpapabili ako nung laruan na stethoscope at ikaw kunwari ang patient ko. Pinagtiya-tiyagaan mo ako kahit na pagod ka galling sa trabaho. Thank you po sa lahat ha? Sana kung nasan man kayo ngayon masaya kayo. Magpapakatatag ako para sa inyo. Love you Ma and Pa”

“Sige lang iiyak mo lang yan.”

            Napatingin ako sa nagsalita. Isang babae. Isang maganda, maputi, maganda ang mata, ang ilong, mapulang labi at simple na babae. Nakasuot siya ng simpleng dress na may design na bulaklak. Sa leeg niya naman ay isang necklace na may pendant na hugis bituin. Nakatingin lang ako sa kanya ganun din siya sa akin. Hindi ko namalayang matagal na kaming magkatitigan kung hindi lang ulit siya nagsalita.

“Baka mamaya nakabulagta na ako sa harapan mo sige ka” Natatawa niyang sabi. Grabe ang ganda ng ngiti niya. Sinong mag-aakalang may ganitong babae?

“Ah sorry” Napailing ko na lang sabi.

“Okay lang. Sanay na naman akong marami talagang tumitingin sakin. De joke lang pinapatawa lang kita.” pabiro niyang sabi. Kaya heto ako natawa sa harap niya. Nakakahiya nga eh kalalaki kong tao naiyak ako eh.

“Ayan ang gwapo mo naman pala ngumiti eh.” Nahiya tuloy ako kaya naman tumingin ako sa ibang direksyon.

“Oh wag ka mahiya. Hindi naman ako nangangain ng nangiti eh” Lalo akong natawa. Grabe ang sense of humor nya ha.

“Nakakatawa ka pala”

“Obvious ba? hahahaha”

Pareho kaming tumawa. Nakakatawa talaga siya. Nasakit na ang tiyan ko kakatawa eh.

“Buti naman at ngumiti ka na, kanina pa kasi kita tinitingnan habang kinakausap mo ang puntod ng mga magulang mo.”

“Ganun ba? Nakakahiya pala sayo. Kalalakeng tao ko pero naiyak ako”

“Ano namang problema kung umiyak ka? Hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki yun pati dun mo mapapatunayan kung manhid ba ang tao kasi yung iba hindi manlang marunong makiramdam. Yun ang mas nakakababa.”

“Okay sabi mo eh. By the way I’m Fraser. And you are?” In-extend ko ang kamay ko para makapag-shake hands kami.

“I’m Crystal but you can call me Crest.”

“Bakit Crest? Sabi mo crystal?”

“Eh kase, ang buong pangalan ko ay Crystal Sollest Fuerteventura. Pinagsama lang. You know? Ang dami kong alam no?”

“Edi ikaw na. Teka Fuerteventura? Kaano-ano mo si Tito Ice?” umiwas siya ng tingin pero nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot.

“Papa ko”

“Bakit parang malungkot ka? May problema ba?”

“Kamamatay lang ng papa ko kanina.”

“Sorry…”

“Hindi okay lang. Tanggap ko naman na eh” pinunasan niya ang luha niya.

“Sige lang iiyak mo lang yan” ginaya ko ang sinabi niya kanina.

“Yan din ang sinabi ko kanina eh.” Natatawa niyang sabi.

“Ikaw naman kasi ang naiyak kaya ako naman ang nagco-comfort sayo.”

If you spot this narrative on Amazon, know that it has been stolen. Report the violation.

“Grabe.. ang lakas kong i-comfort ka eh ako naman tong mahina.”

“Sinong nagsabi sayo na mahina ka? Tara sugurin natin” pabiro kong sabi. At siya naman, natawa na ulit.

“Uy wag na no. Okay na ako. Nakakatawa ka din pala noh?”

“Oo naman.” Sabay ngiti.

“Ang weird ng ngiti mo.”

“Weird pala ha. Etong sayo.” Kinliti ko siya kaya naman panay ang hara niya ng kamay niya sa akin kahit na di naman niya ako kaya.

“Hahahahaha tama na.” pagulong-gulong kami sa damuhan dito sa sementeryo. Para kaming ewan dahil dito pa kami naghamagan. Kaya naman hindi ko na namalayan na nakapatong na ako sa kanya. Tumigil ako sa pagkiliti at nagkatitigan kami nang ilang Segundo.

“Ang ganda pala talaga ng mata mo noh?” Wala na nasabi ko na. Yung bibig ko kasi di mapigilan.

“Tumigil ka  nga. Atsaka mahiya naman tayo sa patay.”

            Kaya naman bumangon na ako at hinigit ko siya patayo at muntikan namagdikit ang mga labi namin dahil napalakas ata ang higit ko kaya naman…..AWKWARD. Pero di niya yun inalintana at sa halip ay hingit niya ako. Magkahawak kamay kaming naglilibot sa sementeryo na parang park lang. Ang lambot ng mga kamay niya atsaka ang lamig. At yung puso ko? Ayun ang bilis ng tibok. Yucks nakakabakla.

“Alam mo ba na sabi ko sa sarili ko, pag ako namatay, dapat walang iiyak. Kasi pag umiyak sila, malulungkot ako, at pag nalungkot ako, baka hindi ako pumasok sa langit. Hehe. At sana dadalhan ako araw-araw ng puting bulaklak. Kahit anong bulaklak basta kulay puti.”

“Grabe ka naman, pinag-iisipan mo na agad ang burol mo.”

“Eh hindi mo naman kasi alam kung kalian ka mamamatay eh. Kahit na di mo inaasahan.”

Ang lalim. Para bang may pinaghuhugutan siya. Ano kaya yun?

“Magkuwento ka” hindi ko inaasahan yun ah.

“Ano naman ike kwento ko?”

“About yourself”

“My name is Fraser Castillo. 26 years old. Grumaduate ako sa course na Medicine. Favorite ko ang mangga at kare-kare. Wala na akong maisip. Hindi naman kasi ako marunong magkwento. Ikaw na lang”

“Ako? My name is Crystal Sollest Fuerteventura. 22 years old. I graduated as a civil engineer student. Wala na akong mga magulang kasi yung mama ko namatay nung pinanganak ako tapos yung daddy ko kamamatay lang. Tapos wala na akong kamag-anak dahil mag-isang anak si mommy at daddy kaya ayun. Simple lang ako. Pero allergic ako sa peanut butter, seafood at chicken tapos favorite ko din ang mango. At higit sa lahat I really love stars. Kaya itong necklace na suot ko? Binigay sa akin ni Daddy dahil daw favorite ko sila. Ang ganda kasi eh”

            Pareho pala kaming mag-isa na sa buhay. What a coincidence nga naman. Pero mas mag-isa siya dahil ako kahit papano ay may kamag-anak pa

“Tulala ka na naman”

“Wala to. May iniisip lang ako.”

“Kung naaawa ka sa akin. Wag na. Okay lang ako. Maswerte ka nga eh, may masasandalan ka pa.”

“Pwede namang ako….”

            Napatingin siya sa akin. At saktong nakita ko ang luhang pumatak kaya naman pinahid ko ang mga daliri ko sa pisngi nya. Napapikit siya at hindi ko alam pero niyakap ko siya.

Dug.dug.dug.dug.

            Yung puso ko, ayan na naman, kaya ako? Ang ginawa ko na lang ay pinaramdam ko sa kanya na may tao pa siyang pwedeng lapitan. Yumakap siya sa akin nang napaka higpit.

“Bakit ang unfair ng life?”

“ganun talaga wala tayong magagawa.  ”

“Salamat sa lahat ha?  Dadalhin ko ‘tong ala-ala natin kung saan man ako mapunta. Hindi kita makakalimutan. Pangako ko yan.”

            Ako lang ba yun? O ang pagsasabi niya ng salamat ay para siyang nagpapaalam.

“Ayos ka lang ba talaga?”

“Oo naman.”

May mali talaga eh.

“Tutal nagtanong ka na din. May hihilingin pala ako sayo. Ayos lang ba?”

“Sige ano yun?”

“Ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang puntod ko ha?”

“Ha? Ano bang pinagsasabi mo?”

“Wala na din naming nagmamahal sa akin. Sorry ha? Ikaw pa napagdiskitahan ko.”

“Sinong nagsabing walang nagmamahal sayo?”

“Wala din naman kasing nagsabi sa akin na mahal nila ako bukod sa mga magulang ko. Eh wala na sila kaya wala na din..”

“Nandito naman ako ah? Mahal naman kita.”

“Hindi”

“Hindi?”

“Naaawa ka lang sa akin”

“Bakit ba mas marunong ka pa sa nararamdaman ko?”

“Hindi kasi pwede.”

“Bakit?”

“Basta”…………..”May ibibigay sana ako sayo.”

            Tinagtag niya yung kwintas niya na may bituin.

“Suotin mo yan at alagaan ha? Wag mo iwala. Remembrance para maalala mo ako. Birthday gift ko na din sa sarili ko total kaka- 20 ko lang naman.”

“Pangako”

“Ang huli kong hiling. Sana…… sana wag mo na ako mahalin kasi ayaw kitang masaktan. At tama na ang kakaiyak kasi malulungkot din ako.”

“Bakit mo sinasabi to? Aalis ka na ba?”

“Parang ganun na nga”

“San ka pupunta? Ihahatid na kita”

“Pupunta ako sa lugar kung saan sasaya ako. Wag mo na ako ihatid kasi baka hindi ka na makabalik. Sayang, marami pang nagmamahal sa’yo”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wag mo na isipin yun.”

Bakit parang may di ako alam. Parang…..

“Sige aalis na ako. Wag ka mag-alala. Magkikita pa tayo. Soon. Basta tandaan mo yung mga sinabi ko sayo ha? Mangako ka sa akin..”

“Pangako”

            Umupo kami malapit sa isang puntod at kanina ko pa pala siya tinititigan siya sa mata. Lumapit ako at ayun hinalikan ko siya sa noo. Isang malungkot na halik dahil pagkadikit ng labi ko sa noo nya ay saka pumatak ang luha ko. Hindi pa ata ako handang umalis siya.

“Sige na, aalis na ako. See you soon na lang.”

“Pwede bang wag ka munang umalis? Hindi ko yata kakayanin.” Pagmamakaawa ko sa kanya

“Hindi pwede eh. Kailangan na. Ang unfair no? Kung kailan masaya na tayo, saka naman tayo nagkahiwalay. Sana pala nagkakilala na tayo dati pa.”

“Pero magkikita pa naman tayo diba?” hinawakan niya ang kamay ko.

“oo naman, at sigurado ako na may iba ka nang minamahal at may pamilya ka na nun.”

“Pero..”

“Basta magpakatatag ka ha? at lagi mong tatandaan na…”

“Ano?”

“Mahal din kita.”

            Nabigla ako. Hindi ko alam kung paano ako nakabawi sa pagkakatulala pero nakita ko na lang siyang nakatalikod.

            Pagkatapos nun ay tumakbo siya. Palayo. Palayo sa akin. At maya-maya wala na siya sa paningin ko. Hindi ko manlang nagawang tumayo dahil nanghihina ako.

            At lalo akong nanghina at pakiramdam ko gumuho ang mundo ko nung nakita ko ang nakalagay sa lapida malapit sa inupuan namin.

CRYSTAL SOLLEST “CREST” FUERTEVENTURA

MAY 31, 1998- MAY 31, 2018

R.I.P.

            Kapalaran ko na ba talaga ang maiwan? Ang maiwan nang mag-isa? Ang sakit. Lahat ng mahal ko sa buhay ay nawala sa isang araw. At ang masakit pa dun ay kaarawan niya ngayon. Kaya pala…..

”May ibibigay sana ako sayo.”

Tinagtag niya yung kwintas niya na may bituin.

“Suotin mo yan at alagaan ha? Wag mo iwala. Remembrance para maalala mo ako. Birthday gift ko na din sa sarili ko total kaka- 20 ko lang naman.”

“Pangako”

            Bakit di ko manlang napansin na nagpapahiwatig siya sa akin na ganun nga?

“Alam mo ba na sabi ko sa sarili ko, pag ako namatay, dapat walang iiyak. Kasi pag umiyak sila, malulungkot ako, at pag nalungkot ako, baka hindi ako pumasok sa langit. Hehe. At sana dadalhan ako araw-araw ng puting bulaklak. Kahit anong bulaklak basta kulay puti.”

“Ipangako mo sa akin na aalagaan mo ang puntod ko ha?”

            Napatingin ako sa langit. Gabi na ulit. Kitang-kita ang mga bituin. Naalala ko na paborito niya ang bituin. Kaya napatingin ako sa kwintas na binigay niya sa akin.

 “Bakit di mo agad sinabi? Edi sana nakapag paalam ako sayo. Bakit ganun? Bakit sa akin pa lahat ito nangyayari? Bakit lahat na lang ng mahal ko sa buhay ay iniiwan ako? Hindi ko ata kakayanin.”

“Ang huli kong hiling. Sana…… sana wag mo na ako mahalin kasi ayaw kitang masaktan. At tama na ang kakaiyak kasi malulungkot din ako.”

After 40 years….

60 years old na ako. Kami……

            May 3 akong anak at 5 na ang apo ko. Grabe no? ang bilis ng panahon pero ako eto naka stuck parin kung kailan kami nagkakilala. Tama nga siya. Magmamahal din ako ng iba, pero hanggang ngayon nakatatak parin siya sa puso ko.

            Naging successful akong Surgeon. May sarili na din akong ospital. Akalain niyo yun?

            Araw-araw kong binibisita ang puntod ni Crest. Lagi ko siyang dinadalhan ng white flowers. Apatnapung taon ko yon ginawa at hindi naman ako nagsasawa dahil malapit lang ang pinatayo kong hospital sa sementeryo kung saan kami nagkikita. At yung kwintas niya? Lagi kong suot kahit di naman kita.

            Binisita ko uli siya ngayon lalo na’t kaarawan niya. Umupo ako sa harap ng puntod niya at ngumiti.

“Happy Birthday Crest! 40 years na nung nagkakilala tayo at 40 years na din nung huli tayong nagkita. Alam mo ba na ngayon ko lang napagtanto na nakakapanghinayang na di tayo nakapag picture manlang. Tapos naalala ko na kaluluwa lang pala ang kausap ko nung araw na yun.” Natatawa kong sabi

“Ang tagal na no? ang tanda ko na. ikaw kaya? Siguro bata pa din ang mukha mo? Pano na yan? Matanda na ako Hehe biro lang. Malapit na akong pumunta diyan..ata? eh matanda na naman ako. Masaya na ang pamilya ko. Sana di ka pa humihinto sa kahihintay sa akin diyan ha? Mahal na mahal kita.”

The End……….

EPILOGUE

May hindi pala ako nasama na talagang hindi ko talaga inaasahang mangyari….

Sa hindi inaasahang pangyayari, na-inlove ako sa kanya.

Previous Chapter
Next Chapter