Novels2Search
CAUSE OF AMNESIA [FILIPINO]
CHAPTER 1 | TAMARA

CHAPTER 1 | TAMARA

[TAMARA'S POV]

"Ma, i'm home!" sabi ko pagka- apak ko sa loob ng bahay.

"Kailan ka pa naging bahay, nak?" pabirong tanong ni mama saka ako sinalubong ng yakap.

Naka-apron siya ngayon at may dala-dalang sandok. Suot suot niya ang magic lipstick na binili ko para sa kanya. Lip Ice, kaya kita ko ang pagkapink pink ng labi ni mama.

"Joke ba yun ma?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Tatawa ka sa joke ko o hindi tayo magcocoke ngayon?" kumalas siya sa yakap at sinimangutan ako.

Natawa nalang ako ng tuluyan sa naging reaksyon ni mama bago magpaalam para makapagbihis.

Nasa kwarto na ko at matapos magbihis ay may biglang nag message sakin.

[Fenris Woods]

Enjoying the story? Show your support by reading it on the official site.

[Fenris:]

Good evening.

[Tamara:]

Ha?

[Fenris:]

Eh?

[Tamara:]

Hatdog.

[Fenris:]

Ehtlog.

[Tamara:]

OMG SIRAULO KA REN??

I like you ha.

[Fenris:]

*like emoji*

[Tamara:]

Ows? You like me too?

not surprised hehe| [erased]

[Fenris:]

Let's get straight to the point. I'm a transferee and i also have an amnesia. That's why the homeroom teacher told me to pick a classmate that i would like to assist me.

Ikaw ang napili ko.

[Tamara:]

luh ba't ako???

bOBO AKO

aT teka nga, klasmeyts pala tau??

[Fenris:]

Nagpakilala ako kanina but i guess you were asleep or maybe just spacing out.

you look kind that's why i chose you.

[Tamara:]

who's dat pokemon? | [erased]

[Fenris:]

there's an announcement about our school being temporarily closed down cause of the recent incident. so we'll start next week, are you fine with it?

[Tamara:]

omg my nose

[Fenris:]

why? what happened to your nose?

[Tamara:]

nose paren.

Ini-off ko na ang cellphone ko at bumaba para kumain, tumigil muna ako saglit sa may ref para kumuha ng coke.

Nang maka-upo na ko ay nginitian ko si mama na nasa harapan ko.

"Kain po tayo ma-"

Napatigil ako at napatingin sa picture frame ni mama na nasa harapan ko.

I sighed and lightly slapped my chest because it feels heavy.

Why do I keep on talking to my dead mother?

Previous Chapter
Next Chapter